Mahal kita alan mo ba!
Pero asan ka na??
by: Julius Enriquez
Sa unang araw ng ating pagkikita
Di ko alam kung ako ay minamalikmata
Natameme ako sa taglay mong katangian
Itoy naging palatandaan sa puso't isipan
Tuwing ikay nakikita ko sa araw-araw
Parang ako ay natutunaw
Ito na ba ang sinasabing pag-ibig?
Ito ang sabi ng puso at ng bibig
Minsan nasabi ko na ako ngayo'y aamin
Ikay hinanap ng aking paningin
Nasaktan ako ng pag-ibig noy sa iba ibinaling
Itinago ko at kinain ang aking nais iparating
Sa totoo lang nais kong sabihin
Noong ibinaling mo sa iba ang iyong pagtingin
Na mundo ko'y parang nawalan na ng hangin
Nanatiling pangarap na sana akoy iyong mahalin.
No comments:
Post a Comment